374 - Pastor Kang Aming Patnugot

Pastor Kang aming patnugot
Pag-iingat Mo'y lubos,
Ikaw nga ang nagdudulot
Ng tahanang malugod;
Mapagpala naming Jesus
Na sa tana'y tumubos;
Mapagpala naming Jesus
Na sa tana'y tumubos.

Kami ngayo'y alagaan
Sa pagka't Iyong tunay;
Kaya't sa tunay na daan,
Itungo kung maligaw;
Mapagpala naming Jesus
Dinggin ang aming luhog;
Mapagpala naming Jesus
Dinggin ang aming luhog.

Pangako Mo'y tatanggap Ka
Sa 'ming mga may sala;
Ililigtas Mo tuwina,
Kami'y ipag-aadya;
Mapagpala naming Jesus
Lingapin ang may lunos;
Mapagpala naming Jesus
Lingapin ang may lunos.

0:00 0:00